Ang problema
Pinaghirapan mo yung property. Tapos nasa ibang bansa ka na.
Rent day sa Manila habang tulog ka sa Dubai o nasa trabaho sa Toronto. Mag-message ka sa kapatid mo, maghihintay ng reply, tapos hindi ka pa rin sure kung sino ang nagbayad. Yung mga resibo, nasa papel na hindi mo naman makikita.
Paano ito gumagana
I-setup mo lang once, tapos silipin mo kahit saan ka.
- 01
Ilagay ang properties at tenants mo
Isang beses mo lang ilalagay ang upa at due day ng bawat tenant. I-on ang auto-billing, at kusa nang gagawa ng rent invoice tuwing ika-1 ng buwan.
- 02
I-invite ang tao mo sa Pinas
Kapatid, magulang o caretaker. I-invite sila bilang Co-Owner, Property Manager o Staff. Sa Staff, ikaw ang pipili: meter readings lang, o pati billing at bayad.
- 03
Sila ang magre-record, may resibo ang tenant
Cash, GCash, bank transfer o cheke. Pag na-record na ng may billing access ang bayad, may resibo agad ang tenant sa email, kumpleto sa receipt number.
- 04
Ikaw, silip-silip lang kung kailan mo gusto
Buksan ang MyRentals sa phone mo para makita kung ano ang pumasok, ano ang overdue, at ano ang kailangan mong asikasuhin.
Kusang tumatakbo
Ang buwanang routine, naka-autopilot
- ✓Kusang gagawa ng rent invoice tuwing ika-1 ng buwan, basta naka-on ang auto-billing.
- ✓May email reminder ang tenants bago ang due date, at araw-araw na overdue reminder kung i-on mo.
- ✓Kusang nadadagdag ang late fee ayon sa rule mo: fixed na halaga o porsyento, may grace period at puwedeng may cap.
- ✓Pag na-record ang bayad, naka-email agad ang resibo.
Ang utilities, isang guided step lang kada buwan: ilagay ang bill at ang readings, at ang MyRentals na ang magko-compute ng hati ng bawat tenant. Paano gumagana ang paghahati ng bill →
Ang makikita mo
Alam mo ang nangyayari nang hindi na nagtatanong
📊
Dashboard
Occupancy, collection rate, at kung magkano ang overdue, isang tingin lang.
🔔
Mga alert
Overdue na bayad, kontratang malapit nang mag-expire, hindi pa pirmadong kontrata, tenants na lilipat papasok o palabas.
📄
Mga Ulat
Kung magkano ang siningil mo, nakolekta, ginastos, at natira, may CSV export pa.
🕑
Activity log
Sino ang nag-record ng bawat bayad, at kailan. Malaking tulong kapag iba ang humahawak ng araw-araw.
Kontrata
Makakuha ng bagong tenant nang hindi umuuwi
I-email ang rental contract, English o Tagalog. Babasahin ito ng tenant sa phone nila at ia-accept online, at makikita mo kung kailan nila ginawa.
Oras sa Pinas
Sumusunod ang due dates sa kalendaryo ng tenants mo
Lahat sa MyRentals ay naka-Philippine time: invoices, due dates, reminders at late fees. Hindi masisingil nang maaga ang tenants mo dahil lang walong oras kang late sa kanila.
Mga tanong
Mga madalas itanong
Puwede bang magbayad ng upa ang tenants ko sa MyRentals mismo?
Hindi pa sa ngayon. Magbabayad pa rin sila gaya ng dati: cash, GCash o bank transfer. Ire-record ito ng tao mo sa Pinas, at may resibo sa email ang tenant. Ang mga invoice mula sa monthly billing run ay puwedeng may bank details at payment QR mo.
Sino ang dapat kong i-invite para tumulong?
Ang Co-Owner, kaya lahat maliban sa pag-transfer ng ownership. Ang Property Manager, siya sa araw-araw pero walang access sa reports. Ang Staff, kita ang properties at tenants mo at puwedeng mag-enter ng meter readings, at makakapag-record ng bayad kung bibigyan mo ng billing access. Kung ilan ang puwede mong i-invite ay depende sa plan mo.
Kailangan bang mag-download ng app ang tenants ko?
Hindi na. Sa email nila matatanggap ang invoice, reminder at resibo, at sa browser nila bubuksan ang kontrata.
Paano ko masisigurong talagang na-record ang mga bayad?
Nasa activity log kung sino ang nag-record ng bawat bayad at kailan, at nasa report kung magkano ang nakolekta kumpara sa siningil.
Libre bang magsimula?
Oo. Ang email reminders, invoicing, kontrata at utility billing ay kasama sa lahat ng plan, pati sa Free.
Tama na ang pagpapatakbo ng paupahan sa group chat.
I-setup mo lang in one sitting. Pagkatapos, silipin mo na lang kahit nasaan ka.
Magsimula nang libre